Lady trader naningil ng pautang, kinatay!

Patalim naiwang nakatarak sa dibdib

MAUBAN, Quezon, Philippines — Naging mitsa ng kamatayan ng isang ginang na negosyante ang paniningil nito sa isang babae na may pagkakautang sa kanya makaraang tarakan ng patalim sa dibdib kamakalawa ng hapon sa Sitio Stella Mariz, Barangay Bagong Bayan, Mauban, dito sa lalawigan.

Naiwan pang nakatarak ang patalim sa dibdib ng biktimang si Michelle Pajarillo, 42, may-asawa, bago siya isinugod sa ospital subalit nalagutan din ng hininga.

Tinutugis na ngayon ng pulisya ang suspek na si alyas “Arlene”, 45, may live in partner.

Ayon sa imbestigasyon ng Mauban Police, bandang ala-1:45 ng hapon ay pumasok ang biktima sa bahay ng suspek upang maningil ng utang.

Maya-maya ay nakarinig ang kanilang mga kapitbahay ng pagtatalo sa bahay ng suspek at makalipas ang ilang minuto ay nakitang lumabas ang biktima na duguan at may nakatarak na patalim sa dibdib.

Inihahanda na ang kasong pagpatay laban sa suspek.

Show comments