2 taga-Cagayan tinamaan ng ‘human anthrax’

Matapos kumain ng carabao meat

BAGUIO CITY, Philippines — Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga health authorities kaugnay sa ulat na dalawang katao mula sa bayan ng Sto. Niño sa Cagayan ang tinamaan ng human anthrax infection (AI) matapos silang kumain ng karne ng kalabaw na infected ng bacteria na tinawag na “Bacilus Anthracis”.

Ang nasabing bacteria ay gram-positive at rod-shaped bacterium na sanhi ng anthrax, isang nakamamatay na sakit sa livestock at “occasionally” sa tao.

Kapag infected ng bacteria, sinasabing ito ay “fatal” o nakamamatay. Nagkakaroon ng inflammatory, black, necrotic lesions (eschars) dahil sa impeksyon. Ang sores o mga sugat ay karaniwang lumalabas sa mukha, leeg, braso at kamay kapag tinamaan ng anthrax.

Ang sintomas na malala na at nakamamatay ay: flu-like fever, chest discomfort, diaphoresis (sobrang pagpapawis), at pananakit ng katawan.

Ang Anthrax ay nagi­ging sanhi ng matinding pagkakasakit ng parehong tao at hayop. Nakukuha ang impeksyon sa pagkain ng karne ng mga hayop na infected nito.

Tinitingnan na ng Cagayan Health Office ang posibilidad na may mga karagdagang infection cases pa. Ito ay matapos na maiulat na marami ring residente sa lugar ang nakabili ng karne ng infected carabao.

Noong Disyembre 2022, nasa 12 kaso ng human infection ang naitala sa Cagayan. Sa nasabing bilang, tatlo ang kinumpirma ng Department of Health.

Show comments