166 ‘tulak’ huli sa P3 milyong shabu, marijuana

Sa anti-drug ops sa Region 3

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga pulis sa Police Regional Office (PRO) 3 ang nasa P3 milyon halaga ang illegal drugs at nag resulta sa pagkakadakip sa 166 ‘tulak’ sa isinagawang anti-drug operations.

Ayon kay PRO 3 chief Brig. Gen. Redrico Maranan, nitong nakaraang linggo nasa 122 police operations ang kanilang isinagawa sa buong rehiyon katuwang mg barangay officials.

Kabilang sa kanilang nasamsam ay ang 284.890 gramo ng shabu at 9,807.609 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P 3,114,163.72.

Naniniwala si Maranan na ang pagkakasabay ng mga illegal drugs ay may malaking epekto sa supply nito sa rehiyon.

Binigyan diin ni Maranan na ang pagkakasabat ng mga illegal drugs ay indikasyon ng kanilang puspusang kampanya upang unti-unting masawata ang droga at maging drug-free ang Central Luzon.

Samantala, inihayag din ni Maranan ang pagsuko at pagbabalik sa gobyerno ng mga rebeldeng sina “Ka Ian”, “Ka Val”,”Ka Rod” at “Ka Tonet”. Isinuko rin nila ang kanilang mga armas.

Show comments