P14.6 milyon shabu nalambat sa Bataan, Zambales
MANILA, Philippines — Nalambat ng mga mangingisda mula sa Zambales at Bataan ang nasa tatlong plastic na naglalaman ng 2.1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P14.6 milyon nitong Lunes.
Batay sa report, bandang alas-5 ng hapon nang mabingwit ng walong mangingisda mula sa Barangay Matain, Subic, Zambales ang dalawang plastic bag na naglalaman ng 1.8 kilo ng shabu sa Lubang Island sa Zambales. Nagkakahalaga ito ng P12.24 milyon.
Dakong alas-7:04 naman ng gabi o makalipas ang dalawang oras, isang plastic bag na may 350 gramo ng shabu na tinatayang nasa P2.38 milyon ang halaga ang tumambad sa mga mangigisda ng Barangay Camaya, Mariveles, Bataan.
Agad na dinala sa opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Zambales at Bataan ang mga natagpuang illegal na droga. Inaalam na ng PDEA ang posibleng pinanggalingan ng mga nalambat na shabu.
- Latest