^

Probinsiya

Ginawang parausan sa loob ng 3-taon 14-anyos anak paulit-ulit ni-rape ni itay

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Ginawang parausan sa loob ng 3-taon 14-anyos anak paulit-ulit ni-rape ni itay
Kinilala ng pulisya ang biktimang itatago sa pangalang Sylvia habang ang amang suspek ay si alyas “ESM”, kapwa residente ng Brgy. Gaya Gaya, SJDMC.
Avon Philippines / Released

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Masaklap ang sinapit ng 14-anyos na babae matapos gahasain ng paulit-ulit sa loob ng tatlong taon ng kanyang biological father sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang biktimang itatago sa pangalang Sylvia habang ang amang suspek ay si alyas “ESM”, kapwa residente ng Brgy. Gaya Gaya, SJDMC.

Sa report ng SJDM City Police, naganap ang huling insidente bandang alas-7:30 ng umaga nitong Oktubre 12 sa Brgy. Gaya Gaya.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naalimpu­ngatan ang dalagita nang maramdaman niya na may lumalamas sa kanyang maseselang parte ng katawan hanggang sa tuluyang gahasain.

Dahil dito, hindi na kinaya ng biktima ang paulit-ulit na kababuyang ginagawa ng ama kaya naglakas-loob na siyang isumbong ito sa kanyang kaanak at awtoridad.

Inamin ng biktima sa mga awtoridad na simula taong 2021 hanggang Oktubre 9, 2024 ay paulit-ulit siyang ginagahasa ng ama.

Nahaharap ang suspek sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A 11648 o Statutory Rape.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with