^

Probinsiya

Grocery store niransak, higit P.8 milyong nakulimbat

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Aabot sa mahigit P.8 milyong cash ang natangay ng isang hinihinalang kilabot na miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” matapos nitong pasukin at pagnakawan ang isang grocery store kamakalawa sa Brgy. Manggahan, Gen. Trias City, Cavite.

Sa salaysay sa pulisya ng branch manager ng JMY Shop & Save Grocery Store na si Robaisa Apang, 28 anyos, alas-7:30 ng umaga nang dumating siya sa nasabing grocery store upang magbukas. Pagpasok umano niya sa loob, dumiretso siya sa Admin Office at dito na bumulaga sa kanya ang kalat-kalat na kagamitan at nakabukas na rin ang kanilang cash box at wala na ang perang laman nito.

Patakbong pumunta si Apang sa kanilang main office  at bumulaga rin ang mga nagkalat na gamit at nakabukas na rin ang cash drawer at wala na ang mga perang kinita ng nasabing store.

Agad na itinawag ni Apang sa may-ari ng grocery store na ni-ransack ang kanilang tindahan saka inireport sa pulisya.

Sa kuha ng CCTV ng store, nakitang alas-12:15 ng madaling araw, isang lalaki ang pumasok at dumaan sa exhaust ventilation ng establisimyento at tumangay sa mga pera na aabot sa mahigit P800,000.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with