Online prostitution dens sa Quezon province ni-raid: 5 timbog, 10 bebot nasagip
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Lima katao ang inaresto habang 10 kababaihan ang na-rescue sa isinagawang magkahiwalay na operasyon ng Regional Anti-Cybercrime Unit ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) sa dalawang online prostitution dens sa Tayabas at Lucena City, kamakalawa.
Ayon sa ulat, nag-ugat ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na may online prostitution den na nag-o-operate sa mismong tahanan ng mga suspek na pansamantalang hindi pinangalanan.
Matapos ang masusing cyber patrolling, imbestigasyon at pagkalap ng mga ebidensiya, nakakuha ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data ang ACG sa Regional Trial Court (RTC) ng Calamba City, Laguna.
Sa operasyon ay nasagip ang 10 biktima na lima rito ay mga menor-de-edad.
Ayon sa ACG, ginagamit ang mga biktima sa online prostitutions sa pamamagitan ng isang website na ang mga parokyano ay mga banyaga.
Nakapiit na ang mga suspek at nahaharap sa mga kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act at RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
- Latest