Imbakan ng armas ng NPA, nadiskubre

GENERAL NAKAR, Quezon, Philippines — Nadiskubre ng mga otoridad ang arms cache ng mga eks­plosibo at armas ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Umiray ng bayang ito noong Linggo ng umaga. 

Nakuha sa lugar ang dalawang M16 rifle, isang M4 carbine, 40mm 2023 Grenade Launcher, dalawang improvised shotgun, isang M14 rifle, dalawang bandoliers, mga magasin at bala.

 Ayon sa General Nakar Police, nadiskubre ang imbakan ng mga armas dahil sa tulong ng mga dating miyembro ng Kilusang Larangang Gerilya (KLG) Narciso ng Sub-Regional Military Area 4A ng Southern Tagalog Regional Party Committee na boluntaryong sumuko sa mga otoridad kamakailan.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang natagpuang mga armas para sa tamang disposisyon.

Show comments