^

Probinsiya

Motor vs truck: Ama basag ang bungo, anak malubha

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CATANAUAN, Quezon, Philippines — Nabasag ang bungo at halos maputol ang dalawang paa at namatay noon din ang isang amang magsasaka habang malubhang nasugatan ang kanyang anak na menor-de-edad makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na truck sa national road na sakop ng Sitio Central 2, Barangay Madulas sa bayang ito, kamakalawa ng umaga. 

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si JR Quimora, 37 samantalang patuloy na nilalapatan ng lunas sa Bondoc Peninsula District Hospital dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan ang anak nitong 18-anyos na si Jericho, pawang taga-Barangay San Antonio Pala, Cata­nauan. 

Ayon sa ulat ng Catanauan Police, alas-11:30 ng umaga ay payapang minamaneho ni Francis Montiero ang isang Isuzu Elf trak patungo sa bayan ng Mulanay nang biglang banggain sila ng kasalubong na motorsiklong sinasakyan ng mga biktima na kapwa walang suot na mga helmet. 

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nayupi ang motorsiklo na agarang ikinamatay ng driver nito na si JR. 

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with