^

Probinsiya

MILF commander utas sa ambush, kasama sugatan

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Patay agad sa mga tama ng bala ang isang popular na kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang sugatan ang kanyang isang tauhan nang tambangan ng mga armadong suspek lulan ng motorsiklo sa Barangay Tamontaka 2 dito sa lungsod nitong Linggo.

Idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan ang biktima na si Norodin Alipulo Mama, field commander ng MILF na kilala sa kanyang naging masigasig na suporta sa kampanya ng pulisya laban sa illegal na droga at malaki ang naitulong sa ilang matagumpay na mga entrapment operations ng pamahalaan sa  kanilang bayan, ang Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao del Norte, nitong nakalipas na ilang mga buwan.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Cotabato City Police Office at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, sakay ng isang pulang multicab si Mama kasama ang isang miyembro rin ng MILF na si Esmael Zainodin Balabagan nang tambangan at pagbabarilin ng mga suspek habang kanilang tinatahak ang liblib na bahagi ng Sultan Kudarat-Cotabato-Datu Odin Sinsuat Diversion Road sa Kakar Area sa Barangay Tamontaka 2.

Ang kasama ni Mama na si Balabagan na nagtamo ng mga tama ng bala sa braso, ay maagap namang naisugod sa pagamutan ng mga kasapi ng Cotabato City Police Precinct 3 na nagresponde sa naturang insidente.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm.  

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with