^

Probinsiya

2 motor nagsalpukan: Rider nalaglag, pisak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Napisak ang isang rider makaraang aksidenteng magulungan ng traktora matapos itong malaglag sa minamanehong motorsiklo nang aksidenteng sumalpok sa sinusundang motorsiklo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Brgy. Salitran 1, Dasmariñas City.

Kinilala ang namatay na biktima na si Reynolds Geneta Jr,, 23-anyos, residente ng Bulacan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakahinto sa daan dahil sa traffic stop light ang isang motorsiklo na Yamaha Mio na may plate number 130310 at minamaneho ni Roger Lamboloto, 34, nang bigla na lamang sumalpok sa likurang bahagi nito ang motorsiklo ng biktima na kulay puting Honda (942 WUQ).

Bunsod nito, nawalan ng balanse ang biktima at sumemplang. Dito ay nalaglag siya sa kaniyang motor at aksidenteng nagulungan ng paparating na Sinotrak tractor (NEG 2020) na minamaneho ni Deo Equial Ferrer, 45-anyos.

Sa tindi ng pagkakasagasa, halos madurog ang biktima at agad na namatay. 

Hawak na ng pulisya ang driver ng traktora gayundin ang driver ng motorsiklo na kapwa iniimbestigahan.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with