84-anyos biyuda, kasambahay minasaker!

Tadtad ng mga saksak nang matagpuan ang mga biktima na kinilalang sina Pascualita Lopena Caunin, biyuda, at kasambahay niyang si Rhealyn San Antonio Roqueno, 18-anyos; pawang nakatira sa Brgy. Niugan, Cabuyao City.

MANILA, Philippines — Kapwa duguan at wala nang buhay nang madiskubre ang katawan ng isang 84-anyos na babae at dalagang kasambahay sa loob ng kanilang tahanan sa Cabuyao City, Laguna.

Tadtad ng mga saksak nang matagpuan ang mga biktima na kinilalang sina Pascualita Lopena Caunin, biyuda, at kasambahay niyang si Rhealyn San Antonio Roqueno, 18-anyos; pawang nakatira sa Brgy. Niugan, Cabuyao City.

Batay sa report ng pulisya, alas-6 ng umaga nang magtungo sa pulisya ang kapatid ng lolang biktima na si Estelita Caunin at nag-report sa nakita umano nito sa kanilang CCTV footage na may duguang tao na nakahandusay sa loob ng bahay ng kaniyang kapatid.

Sa pagresponde ng pulisya, dito na nadiskubre na kapwa tadtad ng saksak sa katawan ang mga biktima at kapwa wala nang buhay.

Patuloy ang isinagawang imbestigasyon at follow-up operation ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin at motibo sa krimen.

Nangangalap na rin sila ng mga kuha ng CCTV na maaaring makatulong sa ikaka­resolba ng kaso.

Show comments