^

Probinsiya

Outing ng mga estudyante: 2 nilamon ng talon

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy ang isinasagawang retrieval ope­rations ng Philippine Coast Guard at MDRRMO sa dalawang estudyante na nilamon ng tubig talon, kamakalawa ng hapon sa Mabato Falls, Brgy. Mabato, Maragondon, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang dalawang biktima na sina Aill Macabos, 18-anyos, residente ng Brgy. San ­Dionisio, Parañaque City at kaklase nitong si Shawn Sajol, 17-anyos, residente ng Brgy. Fildera, Pasay City.

Ayon sa ulat ng pulisya, ala-1:30 ng hapon, nangyari ang insidente habang masayang­ naliligo ang mga biktima kasama ang mga kaklase at iba pang estu­dyante nang mag-outing sa nasabing waterfalls.

Sa kasagsagan ng kanilang swimming, napadako sa malalim na bahagi ng talon ang dalawang biktima at bigla silang hinigop ng tubig pailalim.

Nakuha pang lumutang ng biktimang si Sajol at nakasigaw pa ito ng tulong subalit muli siyang hinigop pailalim hanggang sa kapwa hindi na lumutang ang dalawa.

Patuloy ang rescue operations ng mga kinauukulan upang matagpuan ang mga biktima.

vuukle comment

CAVITE

MARAGONDON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with