66-anyos lady trader, 2 pa pinatay!

Sa report ng Isa­bela Police, ang mga biktimang sina Lordwin Ganio at Christian Acierto; pawang negsoyante ng karne at taga-Brgy. San Andres, Cabatuan, Isabela; ay binawian ng buhay sa pagamutan sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

MANILA, Philippines — Tatlong negosyante kabilang ang isang 66-anyos na babae ang patay sa magkahiwalay na pag-atake ng armadong grupo sa San Manuel, Isabela at Baguio City nitong Biyernes.

Sa report ng Isa­bela Police, ang mga biktimang sina Lordwin Ganio at Christian Acierto; pawang negsoyante ng karne at taga-Brgy. San Andres, Cabatuan, Isabela; ay binawian ng buhay sa pagamutan sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang mga biktima ay magde-deliver lang sana ng karne nang harangin ng nag-iisang armadong salarin na nakasuot ng kulay itim na jacket, shortpan at naka-helmet na lulan ng motorsikklo sa bahagi ng highway ng Brgy. District 1, San Manuel, Isabela nitong Biyernes ng umaga.

Isa sa mga biktima ay pansamantalang ­bumaba sa kanilang behikulo para bumili sa tindahan nang biglang sumulpot ang salarin na hinarang ang kanilang sasak­yan. Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril ay agad nitong pinaputukan ng sunud-sunod ang mga biktima na hindi na umabot pang buhay sa pagamutan.

Sa isa pang insidente, sinaksak ng mga hinihinalang akyat-babhay gang ang negos­yanteng lola na si Cosia Fernandez, 66-anyos, matapos nilang pasukin sa kanyang tahanan sa Middle San Carlos Heights, Brgy. Irisan, Baguio City nitong Biyernes.

Natagpuan na may mga saksak sa dibdib ang biktima na hinahabol ang paghinga nang saklolohan ng kaniyang mga kapitbahay at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.

Bago nasawi, naibulong pa ng biktima ang “takaw” na sa salitang Ilocano ay “robbery” o pagnanakaw.

Show comments