26 ‘honest trike drivers’ tumanggap ng tig-P10K

Labis ang saya ng 26 tricycle drivers sa Kabacan, Cotabato makaraang tumanggap ng tig-P10,000 “honesty reward” mula sa tanggapan ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza dahil sa mga ipinakitang pagiging ehemplo ng katapatan.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Tumanggap ng tig-P10,000 cash reward ang 26 na tinaguriang “honest tricycle dri­vers” bilang pagkilala sa kanilang katapatan sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay sa Kabacan, Cotabato nitong Huwebes.

Sa ulat ng mga himpilan ng radio sa Central Mindanao nitong Sabado, magkatuwang sina Cotabato 3rd District Congresswoman Samantha Santos, Kabacan Mayor Evangeline Guzman at Francisco Garcia, pangulo ng University of Southern Mindanao (USM) sa naturang bayan, sa pamamahagi ng P10,000 sa bawat isa sa 26 tricycle drivers.

Ang kabuuang pondong P260,000 na inilaan ng tanggapan ni Gov. Emmylou Taliño-Mendoza para sa 26 tricycle drivers ay pabuya para sa kanilang agarang pagsaoli ng mga dokumento, mga bag na may lamang malalaking halaga ng pera at mga alahas at iba pang mga gamit na naiwan ng kanilang mga pasahero sa kanilang mga tricycles nitong nakalipas na mga buwan.

Ginanap ang pamimigay ng “honesty rewards” sa campus ng pampublikong USM nitong Huwebes, dinaluhan ng mga pamilya ng mga 26 tricycle dri­vers at mga grupong katuwang ni Mendoza na maliban sa pagiging gobernadora ng Cotabato at presiding chairper.

May direktiba na si Mendoza sa mga mayors sa probinsya ng Cotabato na i-dokumento ang magagandang ehemplo ng katapatan ng mga residenteng nasa mga lugar na sakop nila upang mabigyan din ng kaukulang pagkilala at mga pabuya.

Show comments