Negosyante, inutas sa parking lot ng ospital

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang 31-anyos na lalaking negosyante matapos barilin ng hindi nakilalang motorcycle rider sa parking lot ng ospital sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ang biktima na si Christian Burdeos Uchi, residente ng Grand Royale Subdivision, Brgy. Bulihan, Malolos City, Bulacan.

Sa report ng Malolos Police, naganap ang insidente bandang alas-5:00 ng hapon nitong Oktubre 11 sa parking lot ng Isang pribadong ospital sa Brgy. Bulihan.

Ayon sa imbestigas­yon, paalis na sana ang biktimang lulan ng ­Toyota Hilux nang lapitan at barilin ng suspek na lulan ng pulang Honda Click na kanyang agarang ikinamatay.

Dahil dito, agad nagsagawa ng flash alarm, dragnet, at hot pursuit operation ang pulisya para mahuli ang suspek.

Show comments