2 ‘hired killer’ todas sa shootout

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ng mga pulis ang dalawang hinihinalang “gun-for-hire” o assassins sa magkahiwalay na engkuwentro nitong Sabado sa bayan ng Pikit, Cotabato.

Sa ulat ng pulisya, ­unang napatay sa shootout si Abdulwahab Payot nang manlaban umano nang sitain ng mga pulis sa isang checkpoint sa Barangay Balong, Pikit makaraang hanapan siya ng mga papeles sa kanyang dalang motorsiklo na pinaniniwalaang nakaw dahil napuna nilang umaandar nang walang susi.

Bigla umanong bumunot ng isang .45 caliber pistol si Payot nang mapansin na idedetine na siya ng mga kasapi ng Pikit Municipal Police Station kaya agad siyang binaril ng mga pulis. 

Sunod na napatay nito ring umaga ng Sabado ng mga pulis si Borhan Usman sa palitan ng putok sa Barangay Poblacion, Pikit.

Sa inisyal na pahayag ng mga opisyal ng Cotabato Provincial Police Office, nilapitan ng mga pulis si Usman nang mapunang may baril na nakasukbit sa kanyang baywang pero sa halip na magpa­kapkap, agad umanong bumunot ng kanyang armas at tinangkang putukan ang mga pulis kaya siya binaril na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan .

Show comments