GRO pinatay ng kasama sa motel

MANILA, Philippines — Sinakal, mukha inumbag NAGA CITY, Camarines Sur , Philippines – Duguan ang mukha at patay na nang matagpuan ang isang babaeng Guest Relations Officer (GRO) matapos sakalin at hinihina­lang ipi­nag-uumpog ng isang ­lalaki habang naka-check-in sa Zams Apartelle sa Biak na Bato Street, Brgy.Tabuco, Naga City, Cama­rines Sur kamaka­lawa ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Redira R., 27-anyos, may kinakasama, tubong Brgy. Igualdad, Naga City at pansamantalang nanini­rahan sa Brgy. Alimbuyog, Milaor habang inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga, habang sinusundo ng isang 47-anyos na “bugaw” ang biktima sa kanyang kuwarto sa nasabing motel, nang madiskubre ang krimen.

Kasama ang room attendant ng motel, kinatok ang kuwartong pinasukan ng GRO pero walang sumasagot kaya napilitan na silang buksan ang pinto sa pamamagitan ng susi mula sa nasabing motel. Laking gulat nila nang tumambad ang duguang mukha ng biktima na nakasubsob sa sahig ng comfort room at napupuluputan ang leeg ng tuwalya.

Sa inisyal na ulat ng Naga City Police Station 5, alas-2:15 ng madaling araw nang mag-check in ang isang lalaki na naka­suot ng itim na sweatshirt, brown na pantalon at naka-face mask at sombrero sa Room 106 ng motel.

Ilang sandali, dumating na ang biktima at pumasok sa kuwarto ng lalaki. Dakong alas-3 ng mada­ling araw ay lumabas ang suspek at hindi na bumalik hanggang sa matagpuang patay na ang babae sa nasabing silid.

Show comments