^

Probinsiya

Tolentino pinakabata at kauna-unahang babaing naging gobernador ng Cavite, nanumpa na

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Tolentino pinakabata at kauna-unahang babaing naging gobernador ng Cavite, nanumpa na
Cavite Gov. Athena Bryana Tolentino takes her oath before a judge in Tagaytay City on October 8, 2024
STAR/File

MANILA, Philippines — Nanumpa kahapon si Athena Bryana Tolentino bilang ika-39 gobernador ng lalawigan ng Cavite at pinakabata sa edad na 26 na umupo sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan.

Si Tolentino ay nahalal na vice governor ka-tandem si Jonvic Remulla, na hinirang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kapalit ng nagbitiw na si Benhur Abalos Jr. bilang Secretary of the Interior and Local Government para tumakbong senador at nangako na ipagpapatuloy ang naumpisahang programa at proyekto ni Remulla.

Nanumpa si Tolentino sa harap ni Cavite Regional Trial Court Judge Raquel Aspiras Sanchez sa Provincial Capitol sa Trece Martires na sinamahan ng ama na si Tagaytay City Mayor at Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino, ina na si Dr. Agnes Tolentino, kapatid na si Aniela Bianca na tumatakbong representative ng Eighth District of Cavite, at Brent.

ATHENA BRYANA TOLENTINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with