Tinedyer nasakote sa P200K droga

Kinilala ni PLt Col.Dennis De Guzman, Chief of police dito ang nadakip na si alyas “Harry”, residente ng Barangay Marketview.
STAR/File

LUCENA CITY, Que­zon, Philippines — Himas ngayon ng rehas ang isang 19-anyos na lalaki matapos malambat sa anti-drug operation at makumpiskahan ng mahigit sa P200,000 halaga ng ipinagbabawal na droga,kamakalawa sa Barangay Ibabang Dupay sa lungsod na ito.

Kinilala ni PLt Col.Dennis De Guzman, Chief of police dito ang nadakip na si alyas “Harry”, residente ng Barangay Marketview.

Isinagawa ang buy-bust operation laban sa suspek dakong alas-8:00 ng gabi at nasamsam sa kanya ang mahigit 12 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ?248,000 at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Show comments