Buntis binoga sa ulo ng tandem, todas

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Jacquelyn Petiza, 30, ng Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

MANILA, Philippines — Isang babaeng buntis ang duguang bumulagta nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa gilid ng kalsada, kahapon ng umaga sa Cotabato City.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Jacquelyn Petiza, 30, ng Macaguiling, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Batay sa report ng Cotabato City Presinto 2, alas-11:00 ng umaga naganap ang krimen sa tapat ng isang gate sa San Isidro St., Rosary Heights 10, ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang bigla sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Bumunot ng baril ang angkas ng motorsiklo at binaril sa ulo ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon bitbit ang .9mm kalibre na armas na ginamit sa krimen.

Sa ngayon, inaalam na ng mga otoridad ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa mga suspek para sa pagdakip sa mga ito.

Show comments