Trike driver utas nang sumalpok sa nakaparadang tricycle

MANILA, Philippines — Isang tricycle driver ang hindi na umabot ng buhay sa ospital matapos sumalpok ang minamanehong traysikel sa isa pang traysikel na nakaparada sa Sitio Dumeog, Barangay Tambak, New Washington, Aklan, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktima na si Joseph Lora, 40, residente ng Pook, Kalibo na nagtamo ng sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Sa imbestigasyon ng New Washington-PNP pauwi na ang biktima sa Kalibo nang mangyari ang aksidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nangyaring insidente.

Show comments