^

Probinsiya

Rapist na nanghalay ng mga menor-de-edad, nasakote

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Isang lalaking wan­ted sa panggagahasa ng mga kababaihang menor-de-edad ang natunton sa isang liblib na lugar sa Barangay Titulok sa Bagumba­yan, Sultan Kudarat nitong hapon ng Martes at inaresto ng mga pulis.

Kinilala ni Brig. Gen. James Gulmatico, director ng Police Regional Office-12, ang naarestong suspek na si Patrocinio Semeniego, Jr. na nakakulong na ngayon.

Si Semeniego ay residente ng Purok Upper Supon sa Barangay San Jose, Koronadal City at nagtago sa bayan ng Bagumbayan nang malamang naglabas na ng mga warrant of arrest para ang Branch 12 Fami­ly Court sa naturang lungsod nitong July 17, 2024, kaugnay ng mga kasong statutory rape na isinampa ng mga pamilya ng kanyang mga biktima.

Walang piyansang nirekomenda ang korte sa pansamantalang paglaya ni Semeniego.

vuukle comment

SULTAN KUDARAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with