LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot sa 2,877 na mga pulitikong nagnanais humawak ng ibat-ibang posisyon sa darating na Mayo 12,2025 halalan ang nakapagsumite ng kanilang certificate of candidacy sa Kabikolan hanggang sa huling araw ng filing ng COC.
Sa datos na inilabas ni Commission on Elections-Bicol Regional Director Atty.Maria Juana Valeza, sa bilang na 2,877 nakapagsumite ng COC 45 dito ay tatakbong kongresista; 20 ang gobernador; 17 sa vice-governor; at 122 na mga provincial board members.
Sa panig ng mga bayan at lunsod ay 286 ang aspirante (aspirant) bilang alkalde; 251 ang bise-alkalde; at 2,136 na layong maging municipal at city councilors. Ayon sa datus may 27 kandidato ang uncontested o walang kalabang nagsumite ng kandidatura at karamihan umano ay sa pagka-alkalde sa mga lalawigan ng Masbate, Sorsogon, Catanduanes at Albay. Ang Bicol ay mayroong anim na lalawigan, pitong lunsod at 107 bayan.