Lalabanan din si ‘Ate Vi’ sa 2025
BATANGAS, Philippines — Naghain ng certificate of candidacy ang isang bagitong barangay captain para labanan ang mga sikat at kilalang kandidato sa pagka-gobernador sa Batangas na si veteran actress-politician Vilma “Ate Vi” Santos-Recto para sa 2025 elections.
Kasalukuyang chairman ng Barangay Poblacion 4 sa bayan ng San Jose si Walter Ozaeta na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) kasama ang kanyang maybahay at mga tagasuporta sa huling araw ng filing period ng Commission on Elections (Comelec).
Underdog si Ozaeta kumpara sa kanyang makakalaban tulad nina
Ate Vi, dating 1-Care Party-list Rep. Mike Rivera, at Mataas Na Kahoy Vice Mayor Jay Manalo Ilagan.
Si Ozaeta ay tatakbo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Marami ang nagtataas ng kilay sa pagtakbo ni Ozaeta sa pagkagobernador kalaban ang mga beterano na sa larangan ng pulitika sa Batangas.