PhilStar at PSN corres, sasabak na maging Bokal

Victor Martin

MANILA, Philippines — Mula sa pagiging news correspondent ng Philippine Star at Pilipino Star Ngayon, sasabak naman sa pulitika si Victor Martin o Dionisio Bungihan sa totoong buhay, matapos siyang maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Comelec-Nueva Vizcaya para sa pagka-board member o Bokal ng Sangguniang Panlalawigan sa 2025 elections.

Si Martin na may dugong Ifugao, ay samabak sa pulitika upang maiparating ang mga serbisyo sa mga marginalized at vulnerable groups kabilang ang indigenous peoples sa kanilang lalawigan.

Show comments