^

Probinsiya

Beauty queen Ahtisa Manalo, tatakbong konsehal sa Candelaria

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, Que­zon, Philippines — Tatakbo bilang konsehal sa kanyang bayan sa Candelaria, dito sa lalawigan ang kasaluku­yang Miss Cosmopolitan Philippines, na tinaguriang “ Living Doll” na si Ahtisa Manalo.

Ang maybahay ni incumbent Mayor Ogie Suayan ang nagsumite ng Certificate of Candidacy (COC) sa Comelec-Candelaria ni Ahtisa at bagama’t hindi pa nag-aanunsyo sa kanyang FB page, kinumpirma naman ng kanyang katiket sa partido na si Emerson Sio na tuloy ito sa pagtakbo bilang konsehal.

Sa ilalim ng tiket ni Mayor Suayan lalaban si Ahtisa na kasalukuyan pang nasa bansang Viet­nam makaraang makipagtagisan laban sa kina­tawan ng iba’t ibang bansa sa katatapos na Miss Cosmopolitan Inter­national kung saan ay nakapasok ito sa Top 10.

Ayon kay Gng. ­Suayan, malaki ang maitutulong ni Ahtisa sa bayan ng Candelaria, Quezon sa aspeto ng pagpapalakas ng turismo kung ito ay magiging konsehal ng kanilang bayan.

Samantala,  alas-9:30 kahapon ng umaga nang pormal na inihain ni incumbent Lucena City mayor Mark Alcala at ng kanyang amang si vice mayor Rode­rick Alcala ang kani-kanilang COC sa tanggapan ng City COMELEC para sa kanilang ikalawang termino.

Kasabay din nilang naghain ng COC ang siyam na konsehal na sina Elizabeth Sio, Willy Baldonado, Patrick Nadera, Danny Faller, Ninel Pedro, Wilbert McKinley Noche, Baste Briguela, Erick Ona at Americo Lacerna.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with