^

Probinsiya

Remulla-Revilla tandem larga sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Ratsada sa huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC) ang mga politikong tatakbo sa 2025 election sa lalawigang ito..

Kabilang dito ang tambalang Remulla-Revilla na naghain ng kanilang COC sa pagka-gobernador at bese-gobernador, ayon sa pagkakasunod, sa lalawigan ng Cavite.

Si Abeng Remulla, bunsong anak ni Secretary of Justice Boying Remulla ang tatakbong  gobernador habang ang bunsong anak ni Senator Bong Revilla na si Ram Revilla ang bise gobernador nito, na parehong batam-bata at unang sabak sa pulitika.

Sa ikatlong distrito, si AJ Advincula , anak ni Imus Mayor Alex Advincula ang tatakbo sa pagkongresista kung saan makakatunggali nito si Emmanuel Manny Maliksi, dating mayor ng Imus City.

Sa Imus, muling naghain ng kaniyang kandidatura si City Mayor “AA” Advincula para sa kaniyang ikalawang termino na posibleng walang makalaban sa halalan.

Dagsa rin sa huling filing ng COC sa Comelec sa lungsod ng Trece Martires at Imus ang mga konsehal, Board member at iba pang mga kongresista ng lalawigan, gayundin ang mga konsehal ng bawat lungsod at bayan.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with