2 ‘fixer’ timbog ng LTO at CIDG

MANILA, Philippines — Dalawang umanoy fixer ang naaresto ng mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  kaugnay ng isinagawang anti-fixer operation  sa LTO  Dasmariñas City District Office.

Kinilala ni LTO Chief Vigor Mendoza ang dalawang suspek na sina  Juan Miguel Crisostomo, 21, ng  Imus, Cavite; at Carlito Cambronero, Jr., 40 ng  Tagkawayan, Quezon.

Ani Mendoza, pinagpapaliwanag na niya ang District Office head ng LTO-Dasmariñas City tungkol sa insidente.

Ang mga suspek ay naaresto habang tinatanggap ang “marked money” mula sa isang complainant na 19-anyos na motorista na kanilang inalukan na kukuhanan driver’s license sa halagang P8,500 para sa “non-appearance”.

Nilinaw ni Mendoza na walang “non-appearance transaction” sa LTO at mabilis na makakakuha ng lisensiya dahil sa ipinatutupad na ngayong digitalization program ng ahensya.

Show comments