Tatay ni-rape 3 anak na babae, tinodas!

Tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si alyas “Gerald”, residente ng Lake Sebu, South Cotabato.

MANILA, Philippines — Hinatulan ng kamata­yan ng ‘di kilalang grupo ang isang 37-anyos na ama na sinasabing gumahasa sa kanyang tatlong menor-de-edad na anak na mga babae makaraang pagbabarilin at itinapon ang bangkay nito sa damuhan nitong Sabado sa South Cotabato.

Tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktimang si alyas “Gerald”, residente ng Lake Sebu, South Cotabato.

Nabatid sa pagsisiyasat ng Surallah Municipal Police Station na natagpuan ang bangkay ng biktima sa damuhang bahagi ng Purok Riverside, sa Brgy Tubi-Allah, Surallah, South Cotabato nitong Sabado ng gabi.

Tadtad ng tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang katawan ng biktima.

Sa pahayag ni PCapt. Archie Dagohoy, hepe ng Surallah Municipal Police Station, positibong kinilala ang biktima ng kanyang mga kaanak at sinabing may kinakaharap itong kasong panggagahasa sa tatlong anak na babae.

Show comments