Bebot grinipuhan ng ka-live in, patay

Kinilala ang biktima na si Althea Shane Cometa habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Vincent Cortez.

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang babae ng kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa Mataas na Kahoy, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Althea Shane Cometa habang nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na si Vincent Cortez.

Nangyari ang krimen bandang alas-7:20 ng gabi nitong Linggo sa bahay ng mag-live in partner sa Brgy. III, Mataas na Kahoy.

Lasing na dumating sa bahay ang suspek hanggang sa nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng biktima. Humantong ito sa pisikalan hanggang sa kumuha ang lalaki ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang kinakasama.

Tinamaan sa dibdib ang babae at isinugod pa sa District Hospital sa bayan ng San Jose, Batangas subalit idineklara nang dead-on-arrival.

Nakakulong ito nga­yon sa Mataas na Kahoy police station at nahaharap sa kasong murder.

Show comments