Sekyu, sabog ang leeg sa natumbang shotgun

Sa ulat ng pulisya, ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente kung saan kapwa naka-duty ang biktima sa Camella Bucandala, Brgy. Bucandala 4, ng nasabing lungsod sa Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Wasak ang leeg at namatay noon din ang isang security guard mula sa shotgun ng kabaro nito na aksidenteng pumutok makaraang matumba sa pagkakasandal sa loob ng guard house kamakalawa ng hapon sa Imus City.

Sa ulat ng pulisya, ala-1:45 ng hapon nang maganap ang insidente kung saan kapwa naka-duty ang biktima sa Camella Bucandala, Brgy. Bucandala 4, ng nasabing lungsod sa Cavite.

Isinandal umano patayo ni alyas SG“Rolando” ang kaniyang issued shotgun na Catma Arms 12 gauge shotgun, na may Serial Number PP 503-S6 sa loob ng guard house nang aksidente itong dumulas at bumagsak dahilan upang pumutok ito at nasapol ng bala nito ang leeg ng biktimang si SG Binlo Mapa.

Agad bumulagta ang biktima na mabilis namang naitakbo ni Rolando sa pagamutan subalit hindi na naisalba pa ng sumuring doktor dahil sa grabeng tama ng bala sa leeg nito.

Inaresto naman ng mga pulis ang suspek at sinampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

Show comments