Pulong Duterte tatakbo sa reelection
MANILA, Philippines — Kakandidato muli si Davao City First District Rep. Paolo “Pulong” Duterte para sa reelection sa huling termino nito sa ilalim ng Hugpong sa Tawong Lungsod sa 2025 mid-term elections.
Ayon sa kampo ni Rep. Pulong, dakong alas- 10:18 ng umaga nitong Lunes nang ihain ni Atty. Elijah Pepito, legal counsel ni Pulong ang kaniyang Certificate of Candidacy (COC).
Sa kasalukuyan, dalawang independent candidates ang makakatunggali ni Pulong Duterte sa posisyon na sina Rex Labis, isang retiradong officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Janeth Jabines, isang social worker na supporter naman ng mayoralty candidate na si Bishop Rodolfo Cubos.
Ang posisyon bilang kinatawan ng Davao City 1st District ay hinawakan ni Rep. Pulong simula pa noong 2019.
- Latest