23-anyos Ateneo grad kandidatong konsehal ng Plaridel, Bulacan
MANILA, Philippines — Sa edad na 23, gumagawa ng ingay si Seth Cucio, isang graduate ng Ateneo de Manila University, bilang pinakabatang kandidato na tumatakbo bilang konsehal sa Plaridel, Bulacan kaugnay ng gaganaping May 2025 mid-term elections.
Ayon kay Seth sa pamamagitan ng kanyang platapormang CucioKonek, nag-aalok ito ng solusyon sa isa sa mga pinakamalalaking isyu na kinakaharap ng mga mag-aaral at pamilya sa bayan —ang maaasahang access sa internet.
Ang kanyang matapang na plano --Magbigay ng libreng Wi-Fi sa lahat ng 19 barangay ng Plaridel, upang mabigyan ng kasangkapan ang mga estudyante na magtagumpay sa paaralan at pahintulutan ang mga pamilya na manatiling konektado sa pamamagitan ng video calls at online services.
Sa isang bayan kung saan ang pamilyang Vistan ay humahawak ng posisyon mula pa noong 1997, ang sariwa at makabagong diskarte ni Seth ay nagpapayanig sa mundo ng pulitika at ang pokus nito sa teknolohiya at koneksyon ay nagpapakita ng malalim na pag-unawa sa mga modernong pangangailangan ng kanyang mga kababayan, partikular na ang kabataan.
Lumaki sa Plaridel at sumali sa mga immersion program ng Ateneo, nasaksihan ni Seth mismo ang mga pagsubok na kinakaharap ng mga estudyante dahil sa limitadong access sa internet—isang isyung determinado niyang tugunan.
Inihayag ni Seth na ang internet ay hindi lamang isang kasangkapan para mag-browse—ito ay isang lifeline para sa edukasyon, komunikasyon, at oportunidad. Ang kanyang CucioKonek initiative ay nagsisiguro na ang bawat pamilya ay makakapag-enjoy ng tuluy-tuloy na access sa mga learning materials, at ang mga magulang ay maaaring makipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay o magbayad ng mga bayarin online, nang hindi nag-aalala sa gastos ng data.
Samantalang bukod sa libreng wi-fi, kilala si Seth sa kaniyang hands-on na pamamaraan sa pampublikong serbisyo at bilang isang social entrepreneur at may-ari ng isang logistics company na katulad ng Lalamove, ginamit niya ang kanyang mga resources upang magbigay ng medical services sa mga senior citizens, mag-organisa ng mga community efforts.
Sa kaniyang pagkandidato bilang konsehal, ipinangako ni Seth na mamumuno nang may dedikasyon inobasyon, at tunay na malasakit sa kanyang mga kapwa Plaridelian. Ang kanyang plataporma ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng libreng internet—ito’y tungkol sa pagbuo ng isang konektado, mas episyenteng Plaridel, kung saan lahat ay may pagkakataon na magtagumpay.
- Latest