3 kotongerong NPA, utas sa Army

COTABATO CITY, Philippines — Napatay ng mga sundalo nitong Linggo ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) na naaktuhan nilang puwersahang nangingikil ng “protection money” sa mga mahihirap na residente ng Barangay Malna sa Kapai, Lanao del Sur.

Sa mga hiwalay na ulat nitong Lunes ng Lanao del Sur Provincial Police Office at ng 55th Infantry Battalion ng Philippine Army, unang pinaputukan ng mga rebeldeng NPA ang mga sundalong nagpapatrolya sa Sitio Bagong Silang, Barangay Malna kaya nagka-engkwentro na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong kadre. 

Sa ulat ng Lanao del Sur PPO kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng PRO-BAR, inabutan ng tropa ng 55th IB ang mga rebelde sa Sitio Bagong Silang na sapilitang humihingi ng pera at bigas sa mga residente.

Show comments