^

Probinsiya

Mister, ka-buddy tinodas ng ka-eyeball

Ed Amoroso, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Mister, ka-buddy tinodas ng ka-eyeball
Ayon kay Lt. Col. Carlo Caceres, hepe ng ­Sariaya Police Station, tadtad ng tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan nang madatnan ng mga rumes­pondeng pulis dakong alas-8:30 ng gabi ang mga biktima na kinilalang sina Bernardo Claveria Maranan alias “Tibor” at June Valverde Regalado alias “Asim”, 28, kapwa residente sa Sitio Padillo, Barangay Concepcion sa bayang ito.
STAR/ File

Sinet-up ng drug syndicate

MANILA, Philippines — Patay ang isang mister at ka-buddy nito nang paulanan ng bala ng kanilang hinihinalang ka-eyeball na motorcycle riding-in-tandem habang nag-aantay sa waiting shed ng Sitio Mangga sa Barangay Lutucan Malabag, Sariaya, Quezon, nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Lt. Col. Carlo Caceres, hepe ng ­Sariaya Police Station, tadtad ng tama ng bala sa  ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan nang madatnan ng mga rumes­pondeng pulis dakong alas-8:30 ng gabi ang mga biktima na kinilalang sina Bernardo Claveria Maranan alias “Tibor” at  June Valverde Regalado alias “Asim”, 28, kapwa residente sa Sitio Padillo, Barangay Concepcion sa bayang ito.

Lumalabas na si Maranan ay naiulat na nakalabas ng kulungan sa kasong may kinalaman sa droga dahil sa “plea bargaining scheme” .

Sinabi ni Caceras na sinisilip nila ang anggulong “double cross” at “drug related” na motibo sa krimen.

Dagdag ni Caceras, posibleng na-setup ang dalawang biktima ng drug ring at plinanong patayin.

Batay sa imbestigas­yon, kagagaling lang ng dalawang biktima sa kanilang tahanan at sakay ng motorsiklo nang magtungo sa nasabing waiting shed upang katagpuin ang kanilang kausap. Dakong alas-8:00 ng gabi habang nakatayo na ang dalawa sa waiting shed nang dumating ang isang motorsiklo na sinasakyan ng dalawang armadong lalaki.

Pagkababa sa motorsiklo ng mga suspek, malapitang pinaulanan ng bala ng kalibre .45 ang dalawang biktima na agad nilang ikinamatay saka sila tumakas.

vuukle comment

TIBOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with