^

Probinsiya

4 dedo sa Cavite road crash

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
4 dedo sa Cavite road crash
Sa report ng pulisya, unang naganap ang aksidente sa Purok 1, Brgy. Mataas na Lupa, Indang dakong alas-5 ng umaga. Magkaangkas sa puting motorsiklo na Honda Click sina Rendel Baes, 25-anyos at Emmanuel Yanzon, kapwa binata at residente ng Brgy, Tambo, Indang, Cavite at pauwi na galing sa inuman nang bumangga sila sa kasalubong na pampasaherong Lorna Express Bus (NFD 2991) na minamaneho ni Edmund Francisco Jr., 41, ng Brgy Mataas na Lupa, Indang, Cavite.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Apat katao ang nasawi kabilang ang isang 15-anyos na dalagita sa dalawang aksidenteng naganap sa bayan ng Indang at Silang, dito sa lalawigan kamakalawa.

Sa report ng pulisya, unang naganap ang aksidente sa Purok 1, Brgy. Mataas na Lupa, Indang dakong alas-5 ng umaga. Magkaangkas sa puting motorsiklo na Honda Click sina Rendel Baes, 25-anyos at Emmanuel Yanzon, kapwa binata at residente ng Brgy, Tambo, Indang, Cavite at pauwi na galing sa inuman nang bumangga sila sa kasalubong na pampasaherong Lorna Express Bus (NFD 2991) na minamaneho ni Edmund Francisco Jr., 41, ng Brgy Mataas na Lupa, Indang, Cavite.

Sa lakas ng impact, kapwa tumilapon ang mga biktima at wasak na wasak ang kanilang motorsiklo.

Tinangka pa umanong iwasan ng bus driver ang mga biktima at kumabig pakanan pero sumalpok ang bus sa Water Pumping Station at sa mga kawad ng kuryente sanhi ng pagkasugat ng driver habang nasawi ang magkaangkas na biktima.

Samantala, alas- 5:30 ng umaga nang bumangga ang isa pang motorsiklo sa isang Mercedez Benz Tractor sa Brgy Litlit, Silang, Cavite na agad ikinasawing dalagitang si Mickaela Baysa, 15-anyos, at ang driver ng motorsiklo na si Melboy Biceda, 30, carwash boy.

Ayon sa pulisya, magkaangkas sina Biceda at Baysa sa kulay yellow-white na Yamaha Mio 1 125 (358 DXB) at bumabagtas sa Eastwest Road ng Brgy. Litlit nang sumalpok ito sa kasalubong na Mercedes Benz Actros 2036 Tractor Head (358 DXB) na minamaneho ni alyas Ray Anthony, 32, ng Tropical Village, Brgy. San Francisco, General Trias City.

vuukle comment

ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with