^

Probinsiya

Drug den nalansag ng PDEA: 3 timbog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LIGAO CITY, Albay, Philippines — Nalansag ang isa na namang drug den habang arestado ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong drug personality matapos kumagat at maaresto sa inilatag na buy-bust ope­ration sa Purok-4, Brgy.Tinago, Ligao City, Albay kahapon ng tanghali.

Nakatakdang sampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang mga suspek na kinilalang sina Warren Culaway Butial, 42-anyos; ­Marlon Rambacal Moises, 22-­anyos; at Kevin Prepotente Golod, 19-anyos, pawang residente ng naturang lugar.

Sa inilabas na ulat ni Albay PDEA-provincial officer Intelligence Agent lll Noe Briguel, katuwang ang mga kasapi ng Ligao City Police, PDEA-Catanduanes at PDEA-Legazpi City ay inilatag ng kanyang mga tauhan ang buy-bust operation laban sa tatlo na sinasabing nagpapatakbo ng drug den sa naturang lugar. Mabilis na inaresto ng mga nakakubling operatiba ang mga suspek nang iabot sa poseur buyer ang biniling droga.

Nabawi rin sa mga suspek ang 38-piraso ng plastic sachet ng ­shabu na tumitimbang ng 15-gramo at nagkakahalaga ng P209,000; mga drug paraphernalia at buy-bust money na ginamit sa operasyon.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with