Pugante sa Leyte, nalambat sa Laguna

Sa ulat, ang pugante na kinilalang si Rommel Barcala alias “Rommel”, 39-anyos, ay nakorner ng pinagsanib na ope­ratiba ng Provincial Intelligence Unit at Calamba Police Station sa kanyang hideout sa Purok 2 ng naturang barangay dakong ala-1:30 ng hapon nitong Biyernes.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

LAGUNA, Philippines — Isang preso na tumakas sa isang piitan sa Leyte noong Agosto 24 ang nalambat ng mga awtoridad sa ginawang pagsalakay sa pinagtataguan nito sa Barangay Makiling, Calamba City, lalawigang ito, kamaka­lawa ng hapon.

Sa ulat, ang pugante na kinilalang si Rommel Barcala alias “Rommel”, 39-anyos, ay nakorner ng pinagsanib na ope­ratiba ng Provincial Intelligence Unit at Calamba Police Station sa kanyang hideout sa Purok 2 ng naturang barangay dakong ala-1:30 ng hapon nitong Biyernes.

Ayon kay Lt. Col. Titoy Cuden, Calamba police chief, si Barcala ay pumuga sa kulungan ng Bureau of Corrections habang isinisilbi nito ang kanyang sentensya na 10-taong pagkakakulong

“We have no information how and when the fugitive escaped from the BuCor Leyte Regional Prison including his homicide case,” ayon sa pulisya.

Sinabi ni Cuden ang ang BuCor operatives ay agad na nakipag-coordinate sa himpilan ng pulisya para sa agarang pagdakip sa naturang pugante.

Show comments