^

Probinsiya

MILF sasabak sa 2025 elections, libu-libong supporters lumutang

John Unson - Pilipino Star Ngayon
MILF sasabak sa 2025 elections, libu-libong supporters lumutang
Dumagsa sa Cotabato City ang libo-libong mga supporters ng mga kandidato ng baguhang United Bangsamoro Justice Party bilang pagpakita ng suporta sa mga kandidato nitong naghain ng kandidatura para sa ibat-ibang elective positions sa lungsod.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nagpakita ang suporta na animo’y “people’s power” ang libu-libong mga supporters ng ­United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa mga kandidato nito para sa iba’t ibang puwesto sa Cotabato City kasabay ng kanilang paghain ng certificates of candidacy (COCs) nitong Sabado.

Ang UBJP ay isang regional political party na inorganisa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay ng layuning maisulong, sa pamamagitan ng moral governance, ang mga agenda ng peace process nito sa Malacañang na siyang naging batayan ng pagbuwag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na napalitan nitong 2019 ng mas may kapangyarihang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Pansamantalang nabalam ang daloy ng trapiko sa Sinsuat Avenue sa Cotabato City dahil sa rami ng mga supporters ng mga kandidato ng UBJP sa pagka-mayor na si Bruce Matabalao, pagka-vice mayor na si Johair Madag, at 10 na iba pa para sa Sangguniang Panglungsod na sabay na nagpatala ng kanya-kanyang kandidatura sa tanggapan ng Commission on Elections sa loob ng Bangsamoro capitol compound sa lungsod.

Ang 10 kandidato ng UBJP para sa Cotabato City council ay kinabibilangan nina Florante Formento, Elboy Midtimbang, Mohamad Mangelen, Anwar Malang, Michael Datumanong, Faidz Edzla, Joven Pangilan, Jonas Mohammad, Datu Raiz Sema at Shalimar Candao.

ELECTIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with