Pagtatayo ng SEZ sa Tarlac, inaprub ni Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Aprubado na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng Special Economic Zone (SEZ) sa Tarlac City.

Ayon sa nakasaad sa Proclamation No. 701, nakalaan sa SEZ ang bahagi ng lupa ng Barangay Lourdes sa Tarlac City.

Inilabas ang proklamasyon alinsunod na rin sa Republic Act No. 7916 o “Special Economic Zone Act of 1995,” base na rin ito sa rekomendasyon ng  Board of Directors of the Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Papangalanan ang bagong SEZ na “TARI Estate” na may dalawang milyong square meters.

Show comments