Fernando-Castro tandem, susubok uli sa Bulacan sa 2025

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Naghain na ng kanilang kandidatura sa pagka-gobernador at bise gobernador sina re-electionist Bulacan Gover­nor Daniel Fernando at re-electionist Vice Governor Alexis Castro para sa 2025 elections kamakalawa ng umaga sa Hiyas Convention Center sa nasabing siyudad.

Sinamahan sina Fernando at Castro ng kanilang mga suporters at kapwa mga kandidato ng National Unity Party NUP nang maghain sila ng kanilang COC sa harap ni Atty. Mona Ann Aldana Campos, Provincial Election Supervisor.

Si Fernando ay nasa huling termino na ng kanyang panunungkulan bilang gobernador, samantalang si Castro naman ay nasa kanyang pangalawang termino bilang bise gobernador.

Show comments