Suspek sa pagpatay sa misis, sumuko sa mayor sa Cavite

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang mister na suspek sa pagbaril at pagpatay sa kanyang common law wife o kinakasama sa loob ng kanilang tahanan ang sumuko sa awtoridad sa Dasmariñas City, Cavite nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Lt. Col. Julius Balano, hepe ng Dasmariñas City Police Station, si Kenny Kris Topacio alias “Kenny” ay boluntaryong isinuko ang sarili kay Dasmariñas City Mayor Jennifer Barzaga na isinaayos ni 4th district board member Nicanor Austria Jr.

Kalaunan ay ipinasa na rin ang suspek sa pulisya dakong alas-4:30 ng hapon, ayon kay Balano.

Dagdag ng opisyal, si Topacio ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang “misis” na si Marianne Andoque, 45-anyos, na binaril nito nang malapitan sa gitna ng kanilang mainitang pagtatalo dahil sa selos.

Matapos ang kirmen, tumakas at nagtago ng dalawang araw ang suspek sa Bacoor City.

Dahil sa walang kaanak ang suspek sa Bacoor at wala nang mapuntahan, nagdesisyon umano siyang bumalik sa Dasmariñas City at sumuko sa kanilang alkalde.

Show comments