Convenience store pa sa Cavite, hinoldap

CAVITE, Philippines — Isa na namang convenience store na 7-eleven ang pinasok at hinoldap ng riding-in-tandem kahapon ng madaling araw sa Brgy.Bucandala, Imus City.

Natangay ng dalawang armadong lalaki ang di pa mabilang na halaga ng pera ng convenience store .

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:20 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang armadong suspek ang 7-eleven sa nasabing lugar.

Nagpanggap umanong custo­mer ang mga suspek at pagpasok nila sa nasabing store ay agad na nagdeklara ng holdap at tinutukan ng baril ang da­lawang staff na sina Rod Dominic, 25-anyos, at John.

Sakay umano ang mga suspek na kapwa naka-helmet ng isang Honda Click V3 motorcycle na may puting mugs. Dahil sa sunud-sunod na holdapan sa Cavite, nababahala na ang mga negosyante partikular na sa mga nagmamay-ari ng convenience store na laging pinupuntirya ng mga armadong kawatan.

Show comments