PSN/PM corres pangulo muli ng Bulacan Press Club

Ang mga nagwaging bagong opisyal ng Bulacan Press Club sa pangunguna ni Pilipino Star Nga­yon (PSN)/PM (Pang-Masa) senior correspondent Omar Padilla (pangatlo mula sa kanan).

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Sa pangalawang pagkakataon, muling nagwagi bilang Pangulo ng Bulacan Press Club Incorporated (BPCI) ang senior correspondent ng Pilipino Star NGAYON at PM (Pang Masa) na si Omar Padilla sa isinagawang halalan nitong Biyernes ng hapon sa nasabing siyudad.

Kasama sa mga nahalal na opisyales sina Harold Raymundo ng Mabuhay Newspaper bilang Vice President; Vhioly Arizala ng Ronda Balita, Secretary; Chat Petallana ng Luzon Times/Diyaryong Tagalog bilang Treasurer at Dick Mirasol ng Remate bilang Auditor.

Wagi rin bilang mga Board Of Directors sina Evelyn Tenorio ng Bulacan Weekly Tribune/Bulacan Tribune Onlinenews, Rommel Manahan ng Rekta Balita, Sally Lariosa ng Luzon Times, Donato Teodoro ng NewsWatchers at Rhene Reyes ng NewsCatchers.

Ang Bulacan Press Club Inc. ay ang pinakamatandang samahan ng mga lehitimong mamamahayag sa lalawigan ng Bulacan.

Show comments