18-anyos estudyante todas sa hazing! 

MANILA, Philippines — Isang Grade 11 student ang patay matapos na sumailalim umano sa hazing ng Tau Gamma Phi fraternity sa Jaen, Nueva Ecija.

Kinilala ang biktima na si Ren Joseph Bayan, 18, estudyante ng San Pablo National High School.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat, bandang alas-10:20 ng gabi nitong Linggo, Setyembre 29, nang ireport ng tiyahin ng biktima sa Jaen Municipal Police Station ang sinapit ng kanyang pamangkin na pinaniniwalaang  namatay dahil sa hazing.

Aniya, sinabi ng pamangkin sa kanya na  sasailalim  ito sa “final hazing” sa San Leonardo na isasagawa ng isang fraternity.

Ayon pa sa kanya, at sa ilang mga saksi, dinala ng mga suspek ang wala nang buhay na katawan ni biktima sa kanilang bahay sa Barangay San Pablo, Jaen bandang alas-5 ng hapon.

Humingi ng tulong ang Jaen Police sa SOCO para isagawa ang autopsy at malaman ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

 Pinaghahap naman ng awtoridad sina Baron Cabado at Patrick Guinto, kapwa miyembro ng Tau-Gamma Phi na sinasabing sangkot sa hazing at mga residente ng Brgy. San Pablo, Jaen, Nueva Ecija

Show comments