^

Probinsiya

2,600 pulis ikakalat sa Kabikolan sa filing ng COC

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nasa 2,600 pulis mula sa Camp Gen. Simeon Ola ang ipakakalat sa iba’t ibang lugar sa Kabikolan upang makatulong ng mga local police sa pagmamantine ng katahimikan sa pagsisimula ng filing ng certificate of candidacy ng mga tatakbo sa 2025 elections simula ngayong araw hanggang Oktubre 8.

Ayon kay Police Regional Office 5 regional director Brig. Gen. Andre Perez Dizon, ang mga araw na ito ng pagsusu­mite ng kandidatura ng mga kandidato ang kinokonsidera nilang “crucial phase” o mahalagang yugto ng halalan kaya kailangang masiguro nilang magiging maayos at matahimik ito.

Ang 2,600 na pulis ay itatalaga sa ilalatag na mga assistance desks sa mga opisina ng Commission on Elections sa rehiyon, sa pagsasaayos sa daloy ng trapiko, kabilang din ang SWAT at Quick Reaction Teams, Explosive and Ordinance Division, K9 Teams; at iba pang specialized units kasama na ang mga intelligence operatives.

Sinabi ni Dizon na sa ngayon ay wala pang namo-monitor ang PRO5 hinggil sa mga private armed group bagama’t tinututukan nila ang ilang criminal gang sa rehiyon na posibleng magamit sa pag-impluwensya sa halalan kasama na ang grupo ng mga komunista.

Wala pa umano silang nabubuong listahan ng mga lugar na pwedeng ideklarang areas of concern habang patuloy ang pag-aaral at monitoring sa magiging sitwasyon ng bawat lugar sa rehiyon.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with