^

Probinsiya

Inagurasyon ng Panguil Bay Bridge ikinagalak ni Bong Go para sa Mindanaoan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go, vice chair ng Senate committee on finance, ang inagurasyon ng Pa­nguil Bay Bridge, na nagdudugtong sa Misamis Occidental via Tangub City at Lanao del Norte via Tubod.

Sa habang 3.17 kilometro na tumatawid sa Panguil Bay, ang tulay ay tinaguriang pinakamahabang sea-crossing bridge sa Mindanao. Ang dating biyahe na dalawa hanggang dalawa’t kalahating oras ay naging pitong (7) minuto na lamang sa pamamagitan ng roll-on, roll-off (RORO) vessel o sa 100-kilometrong Panguil Bay Road.

“Bilang isang Mindanawan, masaya ako dahil malaking kontribusyon ito sa mas lalong pagpapalago ng ekonomiya ng mga magkakatabing probinsya --from Northern Mindanao all the way to the upper part of the Zamboanga Peninsula,” sabi ni Go.

“Ang pag-apruba, pagpondo, at pagpapatayo nito noon hanggang sa pagbubukas ngayon ay inabot din ng ilang taon at dumaan sa ilang administrasyon na nagsikap na maisakatuparan ang ilang dekadang pangarap ng mga kababayan natin sa Mindanao,” dagdag ng senador.

Ang nasabing proyekto ay opisyal na binuksan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. noong Setyembre 27, 2024. Kasama niya si South Korean Ambassador to the Philippines, Lee Sang-Hwa, at mga opisyal ng Pilipinas. Inaprubahan ito ng National Economic Development Authority noong 2015.

Sa mga huling buwan ng administrasyong Aquino, isang loan agreement para sa pagpopondo ng proyekto ang pinirmahan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Korean Export Import Bank ng South Korea.

Ang Panguil Bay Bridge Project ay ginawa bilang isa sa mga pangunahing proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program ng pamahalaan.

Noong Nobyembre 28, 2018, pina­ngunahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang groundbreaking ceremony sa konstruksyon sa bayan ng Tubod.  Una itong tinarget na makumpleto noong Nob. 2021 ngunit naantala ang pagtatayo noong pandemya ng COVID-19.

Bilang isang ex-officio member ng Board of Directors ng Mindanao Development Authority na kumakatawan sa Senado, patuloy na sinusuportahan ni Go ang iba’t ibang proyektong pangkaunlaran at mga hakbang para sa Mindanao.

vuukle comment

CHRISTOPHER “BONG” GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with