^

Probinsiya

Magkaibigan pinatay, 4 suspek arestado

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Magkaibigan pinatay, 4 suspek arestado
Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw habang kasama ang dalawang ka-barangay na naglalakad ang mga biktima patungo sa isang resort nang sila ay ratratin ng apat na armadong suspek. 
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MERCEDES, Camarines Norte, Philippines — Kapwa bulagta ang magkaibigang lalaki matapos na pagbabarilin ng apat kabilang ang tatlong security guard habang naglalakad ang mga biktima kasama ang dalawa pa patungo sa isang resort sa Brgy. Hinipaan, Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na sina alyas “Ron”, 52-anyos, may-asawa at alyas “Año”, 55-anyos, magsasaka at parehong residente ng naturang barangay.

Sa ulat, dakong ala-1 ng madaling araw habang kasama ang dalawang ka-barangay na naglalakad ang mga biktima patungo sa isang resort nang sila ay ratratin ng apat na armadong suspek. 

Mabilis na isinugod ng mga kaanak sa Camarines Norte Provincial Hospital sa bayan ng Daet ang biktimang si Ron pero hindi na umabot nang buhay habang natagpuan ng mga rumespondeng pulis na nakabulatga at patay na sa tabi ng kalsada si Año.

Kahapon ng umaga, magkakasamang naaresto sa pursuit operation ang mga kasapi ng Mercedes Municipal Police Station sa pangunguna ni Capt. Dan-Nilo Capili, acting chief of police ang apat na salarin na tinukoy lang sa mga pangalang Jun, 44-anyos, magsasaka ng Brgy. Matoogtoog, Ben, 36, ng Brgy. Hinipaan; kapwa ng bayan ng Mercedes; Mar, 32, ng Brgy. Balugo Imelda, Zamboanga Sibugay, at Son, 37-anyos ng Valenzuela City, Metro Manila. Tatlo sa kanila ay mga guwardya ng ‘di pa binanggit na security agency. 

Nabawi ang kalibre 45 baril na ginamit ng mga salarin. Alitan ng mga suspek at biktima ang sinasabing dahilan ng pamamaslang.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with