^

Probinsiya

6 most wanted nalambat sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Nalambat ng awtoridad ang anim most wanted persons (MWPs) na may patung-patong na kaso sa national level sa inilatag na warrant operation ng kamakalawa ng hapon sa Brgy, Buhay na Tubig, Imus City.

Nadakma ang mga suspek na kinilala sa mga alyas na Amay, Jamo, Manolo, Monic o Maggie, Bituin na gumamit din ng mga pangalang Sky Pipay Sinag, Ren at Yumi at isang alyas Jay , na may pangalan ding Frank Abi at Francis , pawang mga naninirahan sa Barcelona Phase 4, Brgy., Buhay na Tubig, Imus City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-3:45 ng ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Imus CCPS (Led Unit), 3 ISU-AIR, 84 IB, 7ID, Regiona Intelligence Unit ng NCR, RIU4A , Regional Station Unit ng RID4A, Nueva Ecija Provincial Intelligence Unit( PIU), Cabanatuan Police , SWAT-RMFB4A, at Provincial Intelligence unit ng CA­VITE PPO ang malakihang operasyon laban sa mga wanted persons.

Matapos makatanggap ng impormasyon ang pulisya na namataan sa isang lugar sa lungsod ng Imus ang mga suspek, agad ikinasa ang operasyon bitbit ang mga warrant of arrests sa mga kasong murder, frustrated murder at iba pa.

vuukle comment

WANTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with